Una sa Balita

Dionisio Cup susulong

0 230

IKAKASA na ang pinakahihintay na 2nd Chairman Cesar C. Dionisio Chess Cup sa darating na Enero 18, sa Brgy. Ramon Magsaysay Hall Covered Court Bago Bantay, Quezon City.

Nakataya ang P4,000 plus trophy sa magkakampeon sa non-master (1900 limit rating) division habang may P1,000 plus trophy ang nakalaan naman sa maghahari sa kiddies 12 years old and below (1900 limit rating).

Ang kambal na torneo ay magsisilbing punong abala si Chairman Cesar C. Dionisio sa pakikipagtulungan ng Chess Education for Age Group (CEFAG) at affiliated sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP).

“We’re pleased to hold the two events,” sabi ni event organizer Mr. Fernan Rosauro.

Ang registration fee ay P300 para sa non-master (1900 limit rating)­ division habang P250 naman sa kiddies 12 years old and below (1900 limit rating) class. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More