Una sa Balita

Dionela nahihilig sa barilan

0 329

ASINTADO sa pakikipag-­barilan sa shooting range si Cignal HD Spikers­ veteran libero Jheck Dionela na nagpamalas ng kanyang stability at focus.

Ibinahagi ni Dionela sa kanyang Instagram post ang kanyang shooting­ skill kasama pa ang ibang Cignal player.

“Firing Working on a different kind of stability and focus. How satisfying­ #15meters” caption ni Dionela sa video post.

Iba’t ibang hirit rin ang natanggap ni Dionela habang umaasinta ito sa shooting.

Banat nito sa caption, “Instructor: ‘Isipin mo iyong nanloko sayo.’
Coach Edgar: ‘Isipin mo last one na kalaban. Good receive.’
Coach Digoyric: ‘Isipin­ mo set point!’”

Samantala, muling aaksyon ang Cignal HD Spikers sa Philippine SuperLiga Grand Prix 2020 sa darating na Marso 3 kontra Generika-Ayala Lifesavers. (JAT)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More