Una sa Balita

Dion aminadong pasaway noon

By
0 578

abante-talbog-joe-barrameda

Si Dion Ignacio ay isa sa mga aven­ger ng unang season ng StarStruck noong 2003. Ultimate Survivors sa batch nila sina Jennylyn Mercado at Mark Herras, First Princess at Prince naman sina Yas­mien Kurdi at Rainier Castillo at ang ilan sa kapwa Avengers ni Dion ay sina Katrina Halili, Cristine Reyes, Nadine Samonte, at Sheena Halili.

Ngayong taong ito, 2019, ay muling ibabalik ng GMA sa telebisyon ang phenomenal artista search kaya naitanong kay Dion kung may maipapayo ba siya sa mga sasali at makakapasok bilang contes­tant sa StarStruck.

“Ang maipapayo ko sa kanila, gawin lang nila ‘yung best nila. Gawin nila ‘yung mga challenges. At tsaka ‘yung time, kasi importante ‘yun, e!

“Dapat on time ka, kung ano’ yung calltime sa ‘yo. Kasi big deal sa showbiz yun, e.”

Hindi raw dapat nagpapa-late sa showbiz commitments ang isang artista, baguhan man o datihan na. Aminado si Dion, noon raw ay may mga pagkakataon na nale-late siya. “Kaya ayun napapagalitan, kaya naging lesson ko ‘yun. “So iyon, time, tsaka big­yan talaga ng effort ‘yung lahat ng mga challenges na ibibigay sa kanila.”

Lead actor ngayon si Dion sa “Hiram Na Anak” na napapanood tuwing umaga bago mag-“Eat Bulaga.” Sa naturang Kapuso teleserye ay gaganap si Dion bilang si Adrian na mister ni Yasmien Kurdi bilang si Miren.

Sa direksyon ni Gil Tejada, Jr. nasa serye rin sina Empress, Lauren Young (as Dessa), Leanne Bautista (as Duday), Vaness del Moral (as Alma), Rita Avila (as Hilda), Sef Cadayona (as Vince), Maey Bautista (as Engke) at Paolo Contis (as Benjo).

Kyline, Jeric balik-tambalan sa ‘Daig’

Sa Linggo na pala magsisimula umere ang “Daig Kayo Ng Lola Ko” na sina Jeric Gonza­les at Kyline Alcantara ang magtatambal. Ito ang matagal nang hinihintay ng mga KyRic followers na laging sumusugod sa taping nila. Matiyaga silang nagbabantay sa taping hanggang madaling araw na madalas natatapos ito. Kaya mapapawi na ang pagod at tiyaga nila sa set.

Maganda ang chemistry nina Jeric at Kyline kaya sigurado ako na maganda ang magiging resulta nito gaya sa tambalan nila sa “Kambal Karibal.” Sana walang eepal at tuloy na tuloy ang KyRic tandem.

Ruru, Kylie mainit ang lambingan sa ‘TODA’

Kailan kaya matutuloy ang pelikulang gagawin ni Ruru Madrid na matagal ng plano ng APT Productions? Last year pa nila pinaplano ito at hindi namin alam kung ano ang nagiging problema. Ngayon ay papalit-palit daw ng schedule. Ito ang pagtatambalan sana nina Ruru Mad­rid at Jasmine Curtis. Bagay pa naman ang dalawa.

Sa “TODA One I Love” ay mai­nit pa rin ang tandem nina Ruru Madrid at Kylie Padilla. Nakaka­kilig ang mga sweet moments nila at ibang kilig na eksena. Mereseng may asawa na si Kylie at kung iisipin mo ay parang may something pa sila huh. Wala kayang mga selos na nagaganap sa magkabilang partido. Talbog.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy