Una sa Balita

Diokno tinakasan ang DPWH, Balae scandal probe

0 724

DISMAYADO si House Majority Leader at Camarines Sur Rep. Rolando ­Andaya Jr., kay Budget Secretary Benjamin Diokno sa hindi nito pagsipot sa ikinasang imbestigasyon ng House committee on rules sa Naga City patungkol sa diumano’y P75 ­billion budget insertions.

Ngayong araw, Enero 3, 2019, ikinasa ang imbestigasyon ng komite.

Himutok ni Andaya, nasa Amerika si Diokno kaya paano nila ito maiimbitahan.

Bunsod nito, binatikos ng House leader ang ibinibidang kasabihan ni Diokno.

“Bumatsi (sumibat). Sec. Diokno is in the United States, how can we invite him? What happened to his ‘job first before duty’ statement?” pagbabanggit ni Andaya sa isang panayam.

Binigyang-diin ng kongresista na dapat ay hindi inindyan ni Diokno ang pagdinig.

Importante aniya ang paliwanag ni Diokno sa usapin.

“His presence is very important to shed light on his questionable practices in the budget process. For the sake of transparency and accountability, he should explain and come clean,” giit ni Andaya.

Nauna nang ipinangalandakan ni Diokno na dapat ay “duty first before leisure” ang maging ugali ng mga mambabatas.

Hinimok din nito na aprubahan ang 2019 national budget bago sumapit ang Disyembre 31, 2018 para hindi magkaroon ng reenacted budget.

Itinanggi rin ng kalihim ng DBM ang mga diumano’y iregularidad sa proseso ng budget.

Samantala, kahit no show si Diok­no ay itutuloy ni Andaya ang imbestigasyon sa kontrobersiya kabilang na ang diumano’y flood control scam at iba pang kuwestiyonableng mga transaksiyon sa bilyon-bilyong piso ng mga proyektong pang-imprastruktura sa Bicol region.

“We will proceed with the probe despite his (Diokno) absence. It’s his loss, not ours,” ayon pa kay Andaya.

Sisimulan ang imbestigasyon dakong alas-10:00 ng umaga sa Ave­nue Plaza Hotel, Magsaysay Avenue, Naga City.

Nag-isyu ng subpoena ang komite ni Andaya sa may-ari ng C.T. Leoncio Construction na si Consolacion Leoncio, ang diumano’y pinaborang contractor ni Diokno, gayundin sa mga opisyal at engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para magbigay ng linaw sa isyu.

Sa naunang rebelasyon ni Andaya, ang joint venture ng C.T. Leoncio at Aremar Construction Corp. ay nakakuha ng P500 milyong infrastructure project sa Bicol Region.

Ang Aremar ay minamay-ari ni Maria Minez Hamor, anak ni Casiguran, Sorsogon Mayor Edwin Hamor. Ang anak ng alkalde na si Jojo Sicat ay kasal naman sa anak ni Diokno. (Aries Cano)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy