Una sa Balita

Diokno tagapagtanggol ng mga mangingisda sa WPS

0 213

Pinangunahan ng abogado at kandidato ng Otso Diretso na si Chel Diokno ang paghain ng petisyon sa Korte Suprema kasama ang mga ma­ngingisda ng Palawan at Zambales para idiin ang karapatan nila na maglayag sa West Phi­lippine Sea na tinatangkang sakupin ng bansang Tsina.

Kamakailan, idinulog na ni Chel at iba pang mga abogado ang hinaing ng mga ma­ngingisda na apektado sa pantataboy ng mga Tsino sa mga tubig na sakop ng West Philippine Sea.

Nagsampa sina Chel ng petisyon for Writ of Kalikasan at Writ of Continuing Mandamus na mag-uudyok sa mga ahensya sa ilalim ng gabinete ng admi­nistrasyong Duterte na ipatupad ang mga batas na nagpoprotekta sa karapatan ng mga mangingisda.

“Itong kasong ito ay kakaiba dahil ngayon lang tayo nakakita ng isang petisyon na tungkol sa West Philippine Sea sa ating mga lokal na korte,” aniya.

Una nang idinulog ang isyung ito laban sa mga Tsino noong panahon ni Pangulong Noynoy Aquino sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands. Kabilang sa legal team na nagpapanalo sa Pilipinas ay kapwa kandidato ng Otso Diretso ni Chel na si dating Solicitor Ge­neral Pilo Hilbay.

“Ang batayan nitong kasong ito ay mismo ‘yung Arbitral Decision na doon nakalagay na talagang walang hum­pay ang paninira sa ating kalikasan diyan sa West Philippine Sea ng mga barko ng Tsina,” ani ni Chel.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy