Una sa Balita

Diokno pina-subpoena ni Arroyo

By
0 443

DAHIL sa patuloy na pagdedma sa pagdinig ng Kamara, ibabalandra ng House committee on appropriations ang subpoena laban kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno.

Sa pagdinig kahapon ng naturang komite ay muling inindyan ni Diokno ang imbitasyon na humarap ito at magpaliwanag kaugnay sa diumano’y mga iregularidad at ano­malya kaugnay sa paghawak ng pambansang pondo.

Inaprubahan ng House panel sa pangu­nguna ni Appropriations chairman at Camarines Sur Rep. Rolando ­Andaya Jr. ang mosyon na i-subpoena si Diokno.

Si Leyte Rep. Vicente Veloso ang naghain ng mosyon patungkol dito.

Ang subpoena ay iniisyu ng Kamara para obligahing sumipot sa pagdinig ang isang indibidwal.

Habang sinusulat ang balitang ito ay hinihintay pa na mapirmahan ni House Speaker ­Gloria Macapagal-Arroyo ang subpoena laban kay Diok­no.

“For the fifth time…I will not even bother to read his excuse letter…he has snubbed our hearing. I don’t know where he gets that very thick, facial facade,” iritadong pahayag ni Andaya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy