Una sa Balita

Diokno, nangungunang senador para sa kabataan

0 6,760

Namamayagpag ang respetadong abogado na si Chel Diokno bilang top choice ng kabataan para sa Senado sa 2019.

Tinaguriang “woke lolo” dahil sa kanyang paninindigan at pagi­ging cool sa kabataan, si Chel ang nanguna sa halos lahat ng mga mock elections na ginawa ng mga kolehiyo at unibersidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kabilang dito ang University of the Phi­lippines-Manila, UP-Baguio, UP-Diliman, UP-Visayas College of Fisheries and Ocean Sciences, Philippine Normal University, University of San Carlos, University of Santo Tomas AMV College of Accountancy, Polytechnic University of the Philippines, De La Salle-Lipa at Wesleyan University.

Ikinatuwa ito ni Chel at nagpasalamat sa lahat ng naniniwala sa kanyang kakayahan na ipaglaban at dalhin ang hustisya at pananagutan sa Senado.
“Maraming salamat po sa tiwala at suporta,” ani Chel sa kanyang Facebook account.

Sinusuklian ni Chel, na may limang anak, ang pagkagiliw sa kanya ng kabataan sa pamamagitan ng paghikayat sa kanila na lu­maban para sa ikabubuti ng bayan—lalo na sa gitna ng mga pagsubok sa hustisya ng bansa.
Para sa kanya, mahalagang panindigan ang laban pa-Senado dahil para ito sa kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.

Bukod kay Chel, ang iba pang kandidato ng Otso Diretso ay napabilang din sa top 12 na senador ng mga estud­yante sa mga nasabing unibersidad.

Kabilang dito sina Senator Bam Aquino at Magdalo Congressman Gary Alejano; ang mga nagbabalik na lingkod-bayan na sina dating senador Mar Roxas at dating congressman Erin Tañada; at ang mga bago ring sasabak sa politika: ang dating Solicitor General na si Pilo Hilbay, beteranong abogado na si Romy Macalintal, at dating ARMM assemblywoman na si Samira Gutoc.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy