Una sa Balita

Diokno nakuha ang suporta ni Ping

By
0 867

NAKUHA ni Otso Diretso senatorial bet Chel Diokno ang suporta ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa nalalapit na May elections matapos nitong aminin ang tila makasarili niyang sagot sa ‘life vest dilemma’ na ibinato sa lawyer nitong nagdaang public debate.

Mababatid kamakailan lang na iginiit ni human rights lawyer Diokno na mas pipiliin nitong iligtas ang sarili sa lumulubog na barko kaysa ang mamili sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at House Speaker Gloria Arroyo kung saan umani ito ng papuri at batikos mula sa ilang politiko at netizens.

Makaraan ang ilang araw ay binago ni Diokno ang kanyang disposisyon sa sinking ship question kung saan sinabi niya na iaabot na lamang nito ang kanyang life vest sa Filipino people.

Sa Twitter, ipinahayag ni Lacson ang kanyang interes na iboto si Diokno sa nalalapit na halalan dahil bibihira ang aamin sa pagkakamali nito.

“Pero alam po ninyo, mali din po ‘yong sagot ko no’n. Mali ang sagot ko. Sabi ko kasi, sa akin na lang, ‘di ba? Ang totoo, dapat sa inyo ‘yong salbabida dahil kayo po ang magsasalba sa ating bayan,’ Rarely a person will admit he’s wrong. Atty Diokno may have earned my vote,” pahayag ni Lacson sa kanyang Twitter account.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More