Una sa Balita

Diokno nadiin sa flood control scam

By
0 560

LALO pang nadiin si Budget Secretary Benjamin Diokno sa P75 bilyong insertion sa panukalang P3.757 trilyong budget ngayong taon makaraang itanggi ni Public Works Secretary Mark Villar na may kinalaman siya sa paglobo ng budget ng kanyang ahensiya.

Sa isinagawang deliberasyon ng Senado sa panukalang budget ng DPWH, sinabi ni Villar na wala itong alam sa dagdag na P75 bilyon sa kanilang inihaing P480 bilyong panukalang budget ngayong taon.

Pinasinungalingan ni Villar ang mga naunang pahayag ni Diokno na alam ng DPWH secretary ang bud­get insertion.

Dahil dito, itinulak ni Senador Panfilo Lacson ang pagtanggal sa P75 bil­yong insertion ni Diokno sa DPWH.

Naunang ibinuking ni House Majority Leader at Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, Jr., na gagamitin sa flood control project ang karamihan sa mga isiningit na pondo sa DPWH.

Ilan umano sa nakikinabang sa flood control project ay ang anak at balae ni Diokno na may construction firm sa Sorsogon.

Sa nasabing budget deliberation, sinabi ni Lacson na nagkaroon na sila ng kasunduan ng sponsor ng budget ng ahensya na si Senate Finance Committee Chairperson Loren Legarda na buburahin na lamang ang dagdag na pondo.

“During the break there was an agreement between this representation and the sponsor… and we need the comment of the agency, the DPWH, that the P75 billion that they have admitted not knowing until it was included in NEP (National Expenditures Program) be deleted at a pro­per time during the period of amendments,” saad ni Lacson.

Sa deliberasyon, ipinaliwanag ni Legarda na ang original na hinihi­nging pondo ng DPWH ay P651 bil­yon subalit binigyan ito ng limitas­yon na P480 bilyon.

“Secretary Villar, I asked him se­veral times, says that he did not know about the P75 billion until he saw the NEP,” paliwanag ni Legarda.

“They insist that they submitted a (recommendation of) P480 billion to the DBM (Department of Budget and Management) and he discovered the P75 billion upon seeing the NEP. That’s what the DWPH says,” dagdag nito.

Makalipas naman ng halos mag­hapong pagsalang sa deliberasyon ng pondo ng ahensya kahapon ay bigo pa rin ang Senado na mailusot ito dahil sa mas marami pang katanungan ng mga senador dito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy