Una sa Balita

Diño pinatatalsik sa puwesto

0 96

Subic Bay Freeport Zone — “Palitan si Martin Diño bilang Chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA)!” Ito ang panawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte ng mga stakeholders sa Subic Freeport.

Nagkakaisa ang mga empleyado, investors gayundin ang mga direktor ng SBMA Board at mga pamahalaang lokal na sakop ng Subic Special Economic­ Zone na dapat ng patalsikin at palitan si Diño dahil ginugulo umano niya ang normal na sistema ng panga­ngasiwa sa Freeport.

Marami ang nadismaya kay Diño matapos itong mag-isyu ng Administrative Order 01-2017 na naglilikha ng isang task force upang mag-inspekyon at mag-monitor ng mga tran­saksyon at koleksyon ng naturang ahensya.

Ikinagalit ito ng mga kasapi ng SBMA Board at kinastigo si Diño dahil wala umano itong approval mula sa kanila. Wala rin daw siyang karapatan na mag-isyu ng naturang kautusan dahil labag ito sa itinakdang tungkulin niya bilang SBMA Chairman. Maging mga Gobernador ng Bataan at Zambales sampu ng mga mayor ng Olongapo, Subic, Castillejos, San Marcelino sa Zambales at Hermosa sa Bataan ay nagkaisa na negatibo ang dating ni Diño sa pamamalakad sa Freeport.

Ayon sa joint statement ng mga pamahalaang lokal, pawang kalituhan ang dulot ni Diño sa SBMA.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy