Una sa Balita

Diño butata sa Malacañang, wala pa palang bagong puwesto

By
0 357

Nilinaw kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na walang bagong puwestong ibinigay si Pangulong Rodrigo Duterte para sa sinibak na dating Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Martin Diño.

Sinabi ito ni Abella matapos ihayag ni Diño sa kanyang press conference na mayroong naghihintay na puwesto sa kanya sa Department of the Interior and Local Government (DILG) bilang Undersecretary for Barangay Affairs.

Ayon kay Abella, walang bagong appointment paper para kay Diño sa DILG at kahit sa alinmang ahensiya sa pamahalaan.

Noong Martes ay nag­labas ang Malacañang ng Executive Order para pag-isahin ang trabaho ng SBMA chairman at administrator.

Hindi umano magkasundo sina Diño at SBMA Administrator Wilma Eisma sa isyu ng pangangasiwa sa SBMA pero hindi masabi ng mga opisyal ng Malacañang kung ito ang dahilan ng Pangulo para alisin si Diño sa uwesto.

“As of this date, the President has not appointed Mr. Martin Diño to any position in the Department of Interior and Local Government (DILG) or in any instrumentality of government,” pahayag pa ni Abella.

Sa kanyang press conference kahapon matapos sibakin sa SBMA ni Pangulong Duterte kamakalawa, sinabi ni Diño na ipinatawag siya sa Malacañang at inalok na hawakan ang naturang puwesto.

“Pinatawag po ako ni Bong Go (Special Assistant to the President) at Executive Secretary (Salvador) Medialdea. Good soldier ako. Kung doon ako magiging epektibo ay tatanggapin ko po. Actually, tinanggap ko na,” ayon kay Diño.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy