Una sa Balita

‘Dinner date’ kay Duterte: Worth giving a try – Robredo

By
0 0

Pinaunlakan ni Vice President Leni Robredo ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-dinner sila sa Malacañang.

Inamin ni Robredo na hindi niya inasahan ang imbitasyon ng Pangulo lalo’t imbitado rin ang kanyang tatlong anak na babae.

Sa isang panayam, sinabi ni Robredo na hinihintay na lamang niya ang pormal na abiso ni Presidential Assistant Secretary Bong Go kung kailan at saan gaganapin ang dinner.

“Ako nabigla ako. Nabigla ako kasi hindi ko inaasahan iyong kanyang suggestion, pero ako naman pangulo iyon. Iyong sa akin, ang tingin ko naman parang extending a hand di ba?” ani Robredo.

Sinabi pa ng Pangalawang Pangulo na: “Parang mali din na tatalikuran mo. Mali na ito ang ating pangulo, ang assumption o naman parating good intentions di ba? Na parang masama din na hindi salubungin halfway ang kanyang offer.”

Ibinahagi rin ni Robredo ang panghihinayang na hindi nakakatrabaho si Duterte gayong pareho naman silang halal ng taumbayan. Malaking bagay aniya kung bibigyan ng halaga ang alok na family dinner ng Pangulo.

“Noong bahagi sana ako ng Gabinete kahit papaano nakakapag-express tayo, pero ngayon na several months after na nawala ako sa gabinete tapos may ganitong pagkakataon, ako tingin ko worth giving it a try,” ani Robredo.

Sinagot din ni Robredo ang pangamba ni Senador Antonio Trillanes IV na isang ‘patibong’ ang alok na dinner ni Duterte.

“Parang mali din na tatalikuran mo. Mali na ito ang ating pangulo, ang assumption ko naman parating good intentions di ba? Na parang masama din na hindi salubungin halfway ang kanyang offer,”ani Robredo.

Sa punto ng pangamba ni Trillanes, sinabi ni Robredo na “…tingin ko mayroon ding pinanggagalingan ang fears na iyon kasi marami nang nangyari before this. Aware naman ako dun sa pangamba ng marami pero tingin ko kasi, at the end of the day, hinalal kami pareho.”