Una sa Balita

Dingdong tuloy na ang pagtakbo sa 2019

By
0 4,394

Para sa mga nagtatanong kung tuloy na tuloy ang pagpasok ni Dindong Dantes sa pulitika sa 2019 elections, heto ang sagot niya.

“Ako, I love my family so much. I love my work as an actor and I also value my community work. Siguro ang tanong diyan eh, kailangan ba? And I think that’s something I’ll answer by myself alone,” bitin na sabi ni Dong.

Meaning, ayaw pa niyang pag-usapan ang tungkol sa pulitika, dahil malayo pa nga naman ang eleksiyon.

Pero, si Marian Rivera ba, ready na bang maging politician’s wife?

“Ano ba ‘yang pinagtatanong ninyo sa akin? Cignal ito eh! Ha! Ha! Ha!” tugon ni Marian na umiiwas din sa isyu ng politika.

Anyway, kumusta naman ang latest pasabog ni Marian sa Instagram na naka-bikini?

“Enjoy lang natin ang buhay. Spread good vibes to everyone! Si Ninang (Sharon) kasi nakakatuwa ang comments. Ha! Ha! Ha!” sabi ni Marian.

Zia bossing sa bahay

Siyanga pala, ang mag-asawang Dingdong at Marian ang bagong mukha ng Cignal Prepaid, ang number one Pay TV provider ng bansa.

“Heto na talaga. Parang mas marami ka­ming puwede panoorin ni Dong together na meron sa Cignal, so looking forward kami doon ni Dong,” pahayag ni Yan.

“Para sa akin, sobrang halaga ng industriya ng TV dahil dito kami nagkakilala. Parang sa paniniwala ko, 2009 yata nabuo ang Cignal. That year din, meron kaming ginawa ni Yan that’s still very significant sa akin.

“With those very important reasons, we’re very grateful at this point in our lives, nandito kami to collaborate and to represent the brand new Cignal TV, a product that we believe in so much.

“Sobrang pasalamat ko rin dahil dumating siya sa buhay namin kung saan meron na kaming pamilya, ‘di ba? Magagamit namin siya sa aming tahanan. Ang saya lang. Na-full circle siya dahil ang ginagamit naming pang-bonding ay telebisyon din. It’s also one thing families can use ‘pag kasama nila ang families nila o barkada nila,” saad naman ni Dong.

Sa ngayon, lalo pang pinaganda ang Cignal Prepaid dahil mayroon na itong mas murang prepaid kit pricing. Puwede nang makuha ang Premium SD Kit sa halagang P1,990 at ang Ultimate HD Kit sa halagang P2,790.00. Bukod dito ay nadagdagan pa ng channels dahil hanggang 108 channels na ang puwedeng panoorin.

Eh ano ba ang oras ng cut off ng panonood ni Yan ng TV?

“Ay dapat kapag 8:30 to 9:00 pm tulog na si Zia eh. So pagtulog na siya, kami na lang ni Dong ang manonood! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Marian.

Pero sa bahay raw nila ay si Zia ang nasusunod, na kung ano ang gusto nitong panoorin ay ‘yun ang natutupad.