Una sa Balita

Dingdong tatakbo sa Berlin

0 405

Lalarga patungong Berlin si Dingdong Dantes para hamunin ang kanyang stamina at patunayang sa kanyang edad ay may lakas pa rin siya na gaya ng kabayong mola.

Puspusan ang training ni Dingdong ngayon para sa gagawin niyang 42 kilometers run sa Berlin ngayong September 29. Naka-post sa Instagram ni Dingdong ang larawan niyang tumatakbo at nakasaad sa caption ang kuwento ng pagkahilig niya sa marathon.

Ayon kay Dingdong, ang Kapamilya walking encyclopedia na si Kim Atienza ang naging daan sa interest niya sa nasabing sport, hanggang sa nakilala niya ang ibang mga kaibigan na nagpa-inspire sa kanyang subukan ang marathon.

May kaba sa dibdib si Dingdong dahil bukod sa unang pagkakataon niyang sasabak sa ganitong sports, malayo ang tatakbuhin niya na posibleng hindi niya kayanin.

Ang magkaroon ng sustainable healthy lifestyle at makasama pa nang mahabang panahon ang buo niyang pamilya ang rason ng pagsabak ni Dingdong sa nasabing sport.

Mga gown ni Juday mabenta sa Instagram

Marami na agad ang nagka-interes na bilhin ang mga gown na isinuot ni Judy Ann Santos sa mga dinaluhan niyang ABS-CBN Ball, na gawa nina Yong Davalos at Oscar DeLa Renta.

Ang gown ni Yong ay nagsimula ang bidding sa P20,000 at ang kay Oscar ay P50,000.

Marami ngang mayayaman na fan si Juday na nag-bid agad-agad sa mga gown niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy