Una sa Balita

Dingdong tatakbo sa 2019! — Marian

By
0 1,694

Ang taas ng energy ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa launching niya bilang endorser ng Canesten. Halata ang kasiyahan nito na siya ang kinuha ng Canesten na endor­ser dahil sobrang naniniwala ito sa produkto at masaya raw siya sa bago niyang family na kunsaan, ang TVC ay kinunan pa sa Thailand.

Dahil ang saya lang ni Marian, nang tanungin ito kung tatakbo ba ang mister niya na si Dingdong Dantes sa 2019 election, mabilis ang naging sagot niya.

Aba, buong ningning na sumagot ito na:
“Yes! Tatakbo siya pero ‘di ko alam anong posisyon.”

Abante Hiring – IT dep

Ang pinag-uusapang pagtakbo ay sa 2019 election. Pero mabilis din itong binawi ni Marian na hindi raw siya ang dapat na nagsasalita tungkol dito.

Aniya, “Siguro ibigay na lang natin sa asawa ko para sabihin niya kung tatakbo o kung tatakbo anong posisyon? Ibigay ko na sa asawa ko ‘yan para sabihin sa inyo lahat ‘yan.”

Sa isang banda, nagulat din kami sa naging pahayag ni Marian dahil sa pagkakaalam naman namin, wala pang final answer si Dingdong sa bagay na ito.

Naisip tuloy namin, hindi kaya ang pagtakbong tinutukoy ni Marian ay ang binubuong fun run ni Dingdong na “Color Run” sa November. (Rose Garcia)