Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dingdong saludo: Marian madatung kahit hindi mag-showbiz

0 451

Bilib na bilib ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa kanyang Misis, ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa paghawak ng kanilang finances o pera.

Inamin ni Dingdong na magaling daw talaga sa management ng pera si Marian. Nabanggit nito na noon pa man, may mga paupahan nga itong bahay.

Kaya ang pera raw niya, meron talaga na para sa kanya, pero meron na inientrega niya kay Marian.

Nabanggit ito ni Dingdong sa vlog ni Christine Babao at sa tanong dito kung sakali at meron siyang P10M, ano ang bibilhin niya, si Marian pa rin ang nasa isip niya.

Sey ni Dingdong, “Bibili ako ng maraming bulaklak para pampuhunan sa negosyo niya dahil alam ko, kaya niyang triplehin ‘yon.”

Sabi nga, madatung si Marian kahit hindi ito masyadong aktibo sa showbiz, o hindi gumawa ng teleserye. Mahusay magnegosyo at maraming ipon o investment noon pa man.

Sa isang banda, tiyak na masaya si Dingdong dahil ang daming pumupuri sa ipinapakita niyang pag-arte at atake sa dalawang katauhan niya sa GMA-7’s primetime series na “I Can See You: AlterNate.  Gaya ng episode na lang noong Huwebes ng gabi, talagang nakipagtagisan ito ng husay sa pag-arte sa eksena nila ni Direk Ricky Davao. (Rose Garcia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.