Una sa Balita

Dingdong pinayuhan ni Alfred sa pagpasok sa politika

By
0 4,454

Last year pa nababalitang papasukin na rin ni Dingdong ang pulitika at Quezon City ang nababalitang lugar na papasukin niya.

Sina Dingdong at Alfred Vargas ay close na magkaibigan at magkumpare. Sa kanilang dalawa, si Alfred ang nakapasok na noon pa man sa pulitika at ngayon nga, may planong tumakbo for the third term as Congressman ng District 5 ng Q.C.

Mukhang aware rin naman na si Alfred sa isyung papasukin ni Dingdong ang politics. Although, hindi pa raw sila nagkakausap.

“I have not talked to Dingdong. Although magka-text kami. Sabi niya mag-usap daw kami. Pero hindi pa rin natutuloy, last year pa ‘yun, e,” saad niya.

Kilala na raw niya si Dingdong elementary pa lang sila halos sa Ateneo de Manila. Magka-batch daw sila nito kaya base sa pagkakakilala niya, alam daw niyang qualified si Dingdong na pumasok sa pulitika.

“Sa pagkakakilala ko kay Dingdong, he’s more than qualified and I think, he’ll be a good leader.

“Bilib ako sa kumpare kong ‘yun.”

Payo nga niya ni Alfred kay Dong, “Go for it. Follow your heart.”

Sa isang banda, kung talagang papasukin ni Dingdong ang pulitika, puwedeng-puwede niyang maging mentor na si Alfred na may magandang record as public servant. Hindi madaling makapasok sa top 10 as legislative, pero si Alfred ay isa sa nasa Top 10 legislator ha.

Ito ay sa kabila pa na nagagawa pa niya katulad ngayon na meron siyang pelikulang sinu-shoot at extended pa ang primetime series niya sa GMA-7 na Kambal, Karibal.

Alden sasabak sa acting workshop kay Vova

Finally, nagkaroon din ng pagkakataon si Alden Richards na makapaglaan ng oras para makapag-undergo ng isang advance acting workshop.

Simula sa Biyernes hanggang Linggo, tatlong araw na mag-a-acting workshop si Alden under New York Acting Professional Coach na si Vova.

Kung matatandaan last year, nag-imbita rin ang GMAAC ng workshopper mula sa America at ilang artists ng GMAAC ang nagsi-attend except Alden na talagang hindi raw maisingit sa schedule.

Ngayon daw, talagang sinigurado na ng Artist Center na makapaglaan ng oras ang actor para rito. Makakasama rin niya ang iba pang ­talents ng GMA.

Balitang tuloy na tuloy na talaga ang primetime series na gagawin ni Alden sa GMA-7 na kung masusunod ang konsepto na narinig namin para sa sariling teleserye niya, napakaganda nito at tama lang na gawin niya.