Una sa Balita

Dingdong paborito ng ABS-CBN

By
0 3,584

Marami ang natuwa nang makita nila sa social media ang larawan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na kasama ang mga taga-Star Cinema (film arm ng ABS-CBN), that includes of course, Direk Olivia Lamasan na siyang bagong Managing Director ngayon.

Isa lang kasi ang ibig sabihin nito, may kasunod na ang huling pelikula ni Dingdong, ang successful movie na Seven Sundays.

Kaya pala nung huling kausap namin ang manager ni Dingdong na si Perry Lansigan at kamustahin ito tungkol sa actor, nabanggit niya na kapag nagkita kami, may mga bago kong malalaman.

Si Dingdong talaga ang Kapuso actor na successfully nakakapag-cross-over sa Star Cinema. Na-build na ang magandang relasyon ng actor sa mga taga-Star at in fairness naman kasi, halos lahat din yata ng ginawang pelikula ng actor sa Star, more than 100 million ang box-office sales.

Bukod sa Star Cinema movie na gagawin ni Dingdong this year, nakita rin namin ang picture ng meeting niya with GMA executives. So, most likely, niluluto na rin ang kasunod na primetime series na gagawin niya sa network.

‘Yung huli niya ay ang part 2 ng Alyas Robin Hood.