Una sa Balita

Dingdong natakot kay Marian

By
0 2,250

Nagulat ang lahat sa presscon ng bagong infotainment show ng GMA-7, ang Amazing Earth na mapapanood na simula sa June 17 sa sinabi ng host nito na si Dingdong Dantes. Kinamusta kasi si Dingdong sa pagbabalik directing niya sa Tadhana show ng misis na si Marian Rivera kunsaan, siya ang nagdirek rito.

“Hangga’t maaari ayokong dumating ang araw na ‘yun,” sabi ni Dong.

Katwiran ng Kapuso Primetime King, nagkakilala raw kasi sila ni Marian bilang mga artista at alam niya ang kapasidad nito bilang isang aktres.

Aniya pa, “Sobrang kahanga-hanga niya. Siyempre, ibang usapan na ‘yun kapag ako na ang magdidirek sa kanya. All along, gusto kong manatili sa akin ‘yung ganu’ng impression na kagalingan niya bilang isang artista as a co-actor.

“Siyempre, space niya ‘yun. Ayoko namang i-manipulate kung paano niya gagawin ang isang bagay na magaling siya. Pero nang magkaroon ako ng opportunity para sa Tadhana na ipalalabas this month, ‘yung takot ko at pag-iwas na idirek siya ay naging napakagandang opportunity.

“I saw a different kind of actress, a different kind of Marian. Kaya nasabi ko sa sarili ko, kaya naman pala mahal na mahal siya ng past directors niya at kaya naman pala mahal na mahal siya ng mga co-actors niya at mga past producers niya.

“Kaya naman mahal na mahal ko rin siya dahil sa kanyang dedication sa kanyang ginagawa. Makikita mo talagang mula sa preparation hanggang sa execution, walang kaarte-arte.”

Sabi pa ni Dingdong, mas naa-appreciate niya raw si Marian bilang isang artista, bilang tao at bilang nanay dahil sa bahay naman daw nila, iba naman ang usapan nila.

Sa isang banda, natatawang nagpasalamat pa si Dingdong sa Kapuso na si Betong Sumaya. Buti na lang daw at busy ito kaya sa kanya napunta ang show.

“Gusto kong magpasalamat kay Betong dahil sa sobrang in-demand ni Betong sa mga out-of-the-country shows ng Pinoy TV, nabigay sa akin ang slot ng Amazing­ Earth.”

Ipapakita sa Amazing Earth ang Philippines presentation ng British Broadcasting Company (BBC) ng award winning series na Planet Earth II. At isang proyekto nga ito ni Dingdong na maipapanood niya sa anak na si Zia.