Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dingdong-Marian todo lambingan sa mini-series

0 236

Humarap ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa press sa pamamagitan ng virtual presscon para sa pagbabalik sa ere ng GMA Telebabad na Descendants of the Sun.

Naitanong namin dito kung hindi ba nila naiisip ng misis na si Marian Rivera na magsama sa isang serye.

“Actually, meron kaming ginagawa e, parang may mini-series na something. Parang pinaglalaruan namin yung idea. So, nagi-enjoy kami sa bahay, nagsu-shoot-shoot kami.

“Pero hindi as a TV show, hindi as a formal program,” saad ni Dingdong na ang tinutukoy ay ang mini-series na dinidirek niya at napapanood sa online.

Mas may advantage kasi kung sila ang magkasama sa isang show ngayon dahil hindi sila limitado sa mga intimate scenes at hindi na rin kailangan ng social distancing.

Bukod pa siyempre, halos lahat ng fan nila ay nami-miss na mapanood sila.

“Kung may pagkakataon, bakit hindi hindi,” positibo naman niyang sagot.

Sa isang banda, simula sa Lunes, October 26 ay magsisimula ng ngang mapanood muli ang rerun ng Descendants of the Sun Ph hanggang sa fresh episodes.

Bukod pa ang pagpapalabas na nito sa Netflix. At para kay Dingdong na maraming “first” na naibigay ang DOTSPh sa kanya, kabilang na ang kanyang first International Acting Award na maituturing niya nga raw na ang kasalukuyang serye ang isa sa top of his favorite or memorable sa kanya.

“Definitely the most memorable,” lahad ni Dingdong.

“Siguro most memorable sa ngayon, next to— teka, marami namang memorable. Sa ngayon kasi, imagine, we we’re telling a war story literally in the middle of the war of our generation.

“Ang daming naganap sa umpisa, kalagitnaan, pagwawakas. Malapit na malapit talaga ito sa puso ko bukod sa sobrang naging close ako sa cast. Maganda yung naging working relationship namin at sana, hindi lang dahil sa Descendants of the Sun pero kahit tapos na, manatili yung closeness.”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.