Una sa Balita

Dingdong-Marian mintis ang oplan baby sa Siargao

By
0 2,643

Mintis pa rin na makabuo sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ng second baby matapos ang tatlong araw nilang bakasyon sa Siargao after Christmas.

“Meron nga ako ngayon! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Marian nang bisitahin siya ng press sa taping ng Super Ma’am sa Parks & Wildlife sa QC.

Dagdag pa ng GMA Primetime Queen, “Matatapos na rin naman ito (Super Ma’am). Mahirap magtrabaho ng may laman.”

Balik-sigla na naman ang followers ng kanyang programa at nagbalik na siya sa programa. Pasko naman daw kaya nang nagpaalam siya na magbabakasyon, hindi naman siya pinahindian.

Direk Sigrid nakulong sa isang isla sa Palawan

Ayaw pa-pressure ng writer-director na si Sigrid Bernardo sa bagong obra na Mr. & Mrs. Cruz na pinagbibidahan nina Ryza Cenon at JC Santos.

Hawak kasi ng director ang record ng highest grossing indie film nu’ng 2017, ang Kita Kita, kaya malaki ang expectations sa bagong project na matutulad ang bagong movie sa KK.

Lahad ni Direk Sigrid, mas nauna niyang sinulat ang Ryza-JC starrer kesa sa KK. Magkaiba naman ng tema ang dalawang­ pelikula kaya anuman ang maging resulta nito sa takilya eh, magpapasalamat pa rin siya.

Kung sa Japan kinunan ang ilang ba­hagi ng Alessandra de Rossi at Empoy Marquez movie, sa M&MC, kinunan ang kabuuan ng movie sa Palawan, particularly sa El Nido.

Aminado siyang hirap mag-shooting sa mga beach kaya dumanas sila ng ilang buwis-buhay na karanasan habang sinu-shoot ang pelikula.

Ayon kay direk, na-trap daw sila sa isang exclusive beach kung saan kinunan ang ilang bahagi ng movie.

“Bago kasi kami makarating sa exclusive beach, kailangan na­ming pumasok sa isang cave. Sinabihan na kami ng guide namin na kailangan na naming lumabas dahil malakas na ang alon at mataas na ang tubig sa labas.

So luma­labas pa lang kami ng cave, ramdam na naming mataas na ang tubig. As in kailangan mong su­misid para makalabas ka,” kuwento ni Direk Sigrid sa presscon ng Viva movie na mapapanood sa January 24.