Una sa Balita

Dingdong kinabog sina Eddie, Daniel sa 3rd Eddys Choice

0 254

abante-paistaran-dondon-serminoSuper tagumpay ang katatapos lang na EDDYS Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na ginanap nu’ng Linggo ng gabi (July 14) sa New Frontier Theatre, Cubao, QC.

Ang sarap makita ang pagsasama ng mga sikat na personalidad, mga beterano, mga haligi ng pelikulang Pilipino, sa isang napakagandang event na pinamahalaan ng Echo Jam Entertainment Productions ni Direk Calvin Neria, at ng producer na si May Alma Arenas.

One for the books nga ang pagsasama sa isang entablado ng mga movie icon na sina Christopher de Leon, Tirso Cruz III, Eddie Gutierrez, Dante Rivero, Lorna Tolentino. Si former Sen. Jinggoy Estrada ang tumanggap ng award para kay former President Joseph ‘Erap’ Estrada, at ang ‘apo’ ang tumanggap ng award para kay Amalia Fuentes.

Sayang nga at hindi nakadalo sina Vilma Santos, Celia Rodriguez, at Anita Linda.

Eh, isama mo pa sina Tommy Abuel, Nova Villa, Eric Quizon.
At lalong kuminang ang event dahil kina Sen. Bong Revilla, Jr., Mayor Lani Mercado, former QC Mayor Herbert Bautista, Cong. Alfred Vargas.

At special na palakpak din ang gusto kong ibigay sa mga nominado na dumating tulad nina Ricky Davao, Pinky Amador, Joross Gamboa at marami pang iba. Na kahit hindi sila nanalo, ramdam mo ang pakikisama, at pagmamahal nila sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Nakakapanghina-yang lang na ang mga nagsipagwagi na sina Kathryn Bernardo (best actress), Arjo Atayde (best supporting actor), Max Collins (best supporting actress) ay hindi nagsipagpunta. Si Direk Joel Lamangan na tinanghal na best director ay maagang dumating, pero umalis din, dahil may mga iba pa siyang appointment na natanguan.

Anyway, naiuwi nga ng pelikulang “Liway” ang mga tropeo na Best Picture, Best Editing at Best Screenplay.

Pinakamasuwerteng aktor nga nu’ng gabing ‘yon si Dingdong Dantes, na nagwaging Best Actor. Ang bongga ng moment niya na napasalamatan niya ang mga dapat niyang pasalamatan tulad ng FDCP (ni Chair Liza Diño), dahil sa matinding effort nito na tulungan ang show business, at siyempre, nai-share na rin niya ang award kay Eddie Garcia na nakalaban niya.

Tinalo nga ni Dingdong sina Carlo Aquino, Christian Bables, Paolo Contis, Manoy, Daniel Padilla, Piolo Pascual (na dumalo).

Anyway, narito pa ang mga nagsipagwagi sa 3rd EDDYS Choice:
BEST CINEMATOGRAPHY:
Yam Laranas, “Aurora”.
BEST VISUAL EFFECTS:
“Aurora” – Gem Garcia and Ernest Villanueva.
BEST MUSICAL SCORE:
Paulo Protacio, “Bakwit Boys”.
BEST PRODUCTION DESIGN:
Roy Lachica, “Goyo”.
BEST EDITING: Chuck Gutierrez, “Liway”.
BEST ORIGINAL THEME SONG: “Maybe the Night” (Ben & Ben, “Exes Baggage”).
BEST SOUND: Alan Carl, Pierre Marco,
and Javier, “Bakwit Boys”.

Naging madamdamin din ang pagtanggap ng award nina Cristy Fermin (Joe Quirino Award), at siyempre ni Tita Ethel Ramos (Manny Pichel Award).

Malaking inspirasyon naman para sa mga Spring Films (na si Piolo Pascual ang tumanggap) and T-Rex Entertainment (Rex Tiri) ang natanggap na parangal bilang mga Rising Producers’ Circle.

Lifetime Achievement Award naman ang iginawad kay Direk Elwood Perez. Samantalang wagi naman si Lorna Tolentino ng Beautederm Star of the Night.
At siyempre, iginawad kay Comedy King Dolphy ang Posthumous Award na tinanggap ng anak niyang si Eric Quizon.

Korina super kinang sa SPEEd event

Isa sa nagpakinang sa EDDYS Choice ay si Korina Sanchez-Roxas, na bagama’t medyo maga ang kanyang paa (dahil natapilok), itinuloy at bonggang-bongga pa rin ang pagho-host niya, ha!

Ang dami ngang nagsasabi na ang bata-bata ng itsura ni Korina na fresh na fresh kasi sa ayos ng buhok niya at suot na gown.

Hindi rin matatawaran ang performance ni Kuh Ledesma, Ice Seguerra (na super pa-lakpak, na may kasamang kilig nga si FDCP Chair Liza habang pinanonood siya) at marami pang iba.

Kaaliw rin ang mga host sa red carpet na sina Juancho Trivino at Arra San Agustin.
Agaw-pansin din ang magagandang sina Gazini Ganados (Miss Universe PH), Patch Magtanong (Bb. Pilipinas International), Marija Debelic, Franki Russel.

At angat din ang kaguwapuhan, kagandahan ng mga alaga ng Cornerstone (ni Erickson Raymundo) na sina Hashtag Rayt, Claudia Barretto, Empoy, Kit Thompson.

At siyempre, sobrang thank you rin sa mga Kapuso na sina Rayver Cruz, Aicelle Santos, Rita Daniela. Ang husay rin nina Lara Maigue, Bituin Escalante, Raket Manila Dancers, Jem Cubil, Andrea Barbierra, Sean O­liver, Both Of Us, Ge-rald Santos, RJ dela Fuente, at marami pang iba.

Ang 3rd EDDYS ay produced ng Echo Jham Entertainment Productions, presented by Cignal TV at mapapanood sa Colours (Channel 60 SD at Channel 202 HD) sa July 21, 9 PM.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy