Una sa Balita

Dingdong inaalok lumipat sa ABS-CBN

0 1,660

Ni: Rose Garcia

Napag-alaman namin na hanggang ngayong January na lang pala ang network contract na pinirmahan ng Kapuso Primetime King na si Ding­dong Dantes sa GMA-7.

Pero bago pa mag-react ang karamihan, ganu’n naman talaga. Lahat naman talaga ng artista na pumipirma ng network contract, may expiration.

Nandiyang merong isa, dalawa o tatlong taon lang ang kontrata, then, nire-renew rin naman agad.

Kung parehong mag-a-agree siyempre ang da­lawang kampo.

Ayaw pang magbigay ng detalye o anumang impormasyon ng mana­ger ni Dingdong na si Perry Lansigan kung pipirma ba silang muli o kung nag-e-entertain sila ng ibang offer.

Pero hindi naman nito itinatanggi na palagi naman, may alok siyempre ang iba at siyempre rin naman, may intention to renew ang Kapuso network.

Tingin namin, bilang manager, natural lang din na bago pumirma ng kontrata na pinag-aaralan muna lahat ng mga option.

Anyway, sa kasalukuyan ay may dalawang exis­ting na regular show si Ding­dong sa GMA. Ang primetime series nila ni Dennis Padilla na “Cain at Abel” na siguro nga, hindi man nito natatalo in-terms of ratings ang katapat na serye, pero obvious din na may sarili silang mga viewership dahil mas tumaas ang ra­tings ng Cain at Abel bukod pa sa magagandang feedback dito.

At given na rin ang pagiging consistent top-rater ng Amazing Earth na nakakailang season na. So kahit pa siguro mag-expire man ang kontrata ni Dingdong at hindi pa ito pumirma right away, he’ll remain Kapuso dahil nga may mga show siya sa network.

Pero sa pagkakakilala namin dito, as loyal as he is, hindi na kami magtataka kung Kapuso pa rin talaga siya. Eh, heard na si Dingdong pa rin naman ang magiging host ng StarStruck at bida ng isang much anticipated upcoming series ng network.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy