Una sa Balita

Dingdong, bibida sa ‘Noli Me Tangere’!

By
Dingdong Dantes
0 3
Dingdong Dantes
Dingdong Dantes

Anyway, ang pelikulang Manananggal sa Unit 23-B na pinagbibidahan ni Ryza Cenon ang tinututukan ngayon nina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan. Sila nga ang producer­ (Idea First) ng movie na ito.

Pero, ngayon palang, isang bonggang pelikula na agad ang pinaplano nina Direk Jun at Perci, na hihilera nga sa Heneral Luna, at iba pang pelikula na historical ang tema.

Nakausap na ni Direk Jun ang gusto niyang maging bida sa pelikula, si Dingdong Dantes. Ang pelikula na Noli Me Tangere nga ang target gawin ni Direk Jun, na handa nilang gastusan ng malaki.

Si Crisostomo Ibarra ang papel na gagampanan ni Dingdong, na malamang ay sa mga unang buwan ng 2017 nila simulang gawin.

Samantala, sa Alyas Robin Hood ngayong gabi, sa phone call, gustong malaman ni Sarri (Megan Young) kung sino talaga ang lalaking kausap niya. Gustong magpasalamat ng dalaga kay Pepe (Dingdong Dantes). Pero ang sabi ni Pepe, pakisabi na lang daw sa kuya ng dalaga na si Daniel (Paolo Contis) na maniwala sa kanyang lead. Sigurado na si Pepe na ang bahay na kanilang napuntahan ay ang lugar kung saan itinatago ang ninakaw na babies.

Na-realize naman nina Pepe at Venus (Andrea Torres) na ang nakuha nilang timed plastic card na may countdown pa, ay isang high-tech invitation para sa isang party sa House of Aglaea. Ang party na ito ay para lamang sa rich and powerful. Inalam nina Pepe at Venus kung ano ang password ­para makadalo sila sa event. “Live forever” ang password nito.

May pakana sina Dean (Sid Lucero) para mahuli na kung sino ang blogger ng “The Dog Eye” na umiidolo kay Robin Hood. Nalaman ito nina Julian (Dave Bornea), Lizzy (Lindsay de Vera), at Rex (Prince Villanueva). Si Rex ang pinagpanggap nilang blogger. During the recognition event, bigla na lang may kumidnap kay Rex. Gulat sina Julian at Lizzy.

Nalaman na rin nina Pepe at Venus kung saan ang event. Sa isang warehouse ang event, at isa itong masquerade party. Todo bihis at lagay ng maskara­ ang dalawa, pero nang sila ay nagsimula nang pumasok sa warehouse, agad na nag-error ang kanilang invitation. Agad na nagduda ang security guards.