Una sa Balita

Dinedma sa inuman, obrero nanaksak

0 280

DAHIL hindi pinapansin­ sa inuman, nanugod ng saksak ang isang construction worker sa Caloocan City, kamakalawa nang gabi.

Sa kulungan pinulot si Gerald Sumalisid, 30, nakatira sa Macopa St., Brgy. 178, Camarin ng nabanggit na lungsod.

Nakaratay naman sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital si Roy Flores, 33, nakatira sa No. 5095 Macopa St., San Vicente Ferrer, Brgy. 178, Camarin ng nasabing lungsod.

Nagtamo ito ng mga saksak sa kanang hita at tiyan.

Kuwento ng ilang saksi, bandang alas-9:20 nang gabi, nag-iinuman daw sina Flores kasama ang iba niyang kaibigan sa kahabaan ng Macopa St., Brgy. 178, Camarin, Caloocan City.

Dumaan si Suma­lisid, pero hindi siya pinansin ng mga nag-iinuman, gayung kaki­lala naman nila ang una dahil kalugar.

Ilang sandali ang lumipas bumalik ang suspek na armado ng patalim at sinugod ang biktima saka pinagsasaksak, saka tumakas. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy