Una sa Balita

Dinedma ang curfew, 112 Caviteno kinalawit

0 393

SA kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine, nakapagtala pa rin ang Cavite police ng mahigit isang daan na mga pasaway na pagala-gala pa rin sa lansangan sa oras ng curfew.

Sa tala ng Cavite Provincial Police Office (CPPO), nanguna sa pinaka-pasaway ang Lungsod ng General Trias kung saan umabot sa 60 katao ang dinampot habang sumunod ang Bacoor City na may 27 habang ang Naic ay 16.

Tig-iisa naman ang Tanza, Dasmarinas City at Cavite City o may kabuuang 112 katao.

Ang pag-aresto sa mga lumabag sa curfew ay isinagawa mula alas-8:00 Biyernes ng gabi hanggang ala-5:00 Sabado ng umaga. (Gene Adsuara)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More