Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dindin tigasin sa Chery Tiggo

0 113

PATULOY pa ring pamumunuan ni open hitter at team captain Aleona Denise “Dindin” Santiago Manabat ang 2021 Open Conference champion na Chery Tiggo Crossovers na ipaparada rin ang bagong coach para sa darating na 2022 Premier Volleyball League (PVL) Invitationals na nakatakdang magsimula sa Hulyo 9 sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Wala man si Jaja Santiago dahil sa naunang responsibilidad nito sa Ageo Medics sa Japan-V.League, nananatili pa ring optimistiko si Manabat na kayang makipagsabayan ng kanilang koponan.

“Hindi naman kami umaasa lang kay Jaja, dahil alam naman namin kung saan kami napunta last season, kaya pinagtatrabahuhan namin at step-by-step naman naming gagawain para makapag-perform kami ng maganda this season,” wika ni Dindin.

Hahalili bilang bagong head coach ng Chery Tiggo si Mapua University Lady Cardinals chief tactitian at UST Golden Tigresses assistant coach Clarence Esteban na pinalitan si Aaron Velez.

Naidagdag sa listahan ng mga manlalaro si setter Alina Joyce Bicar na naglaro sa BaliPure Water Defenders para samahan sina Ma. Shaya Adorador, Julia Angeles, Rachel Anne Austero, Czarina Grace Carandang, Mary Joy Dacoron, Justine Dorog, Ria Duremdes, Elaine Kasilag, Ennajie Laure, Arianne Mae Layug, May Luna, Jasmine Nabor, Maika Ortiz at Mylene Paat.

Agad na masusubukan ang pagbabago sa samahan at sistema laban sa Open Conference 4th placer Choco Mucho Flying Titans sa opening day sa main game sa alas-5:30 ng hapon. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.