Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dindin hahambalos uli sa national team

0 80

MASAYA sa kanyang pagbabalik sa national women’s volleyball team si Dindin Santiago Manabat na asam pang matulungan ang koponan sa hinaharap.

Sa nakalipas na 2021 AVC Asian Women’s Club Championship sa Thailand, lumaro si Manabat para sa Rebisco kasama ang national squad.

“Sobrang nakaka-overwhelm kasi siyempre parang ito na ulit, nakabalik na (kasama national team) and mas nag-iimprove pa, I mean, parang mas nagiging ate pa sa mga ibang bata (players) na kaya ko pa silang i-inspire,” sey ni Manabat sa “The Game” ng One Sports.

Related Posts

“Sobrang saya lang kasi nandito ako na nakakatulong ako, hindi ‘yung parang nag-uumpisa ulit,” dagdag pa ng 28-year-old veteran hitter.

Sa nasabing torneo, tumapos ang Rebisco sa huling puwesto ng one-week tourney. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.