Una sa Balita

Dindin, Foton dinikdik ang Marinerang Pilipina

0 213

HINDI na nagpaligoy-ligoy pa ang Foton Tornadoes, pinagulong nila sa tatlong set ang nagkukumahog na Marinerang Pilipina, 25-15, 29-27, 25-14, sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Malolos Sports and Convention Center sa Malolos City.

Pinamunuan ni Dindin­ Santiago-Manabat ang atake ng Tornadoes upang isalo ang Tornadoes sa No. 3 spot ng team standings kapit ang 8-6 karta.

Ayon kay Manabat, maganda na ang ipinapa­kita ng team sa kanilang service receive kaya naman nakalsuhan nila ang three-game skid.

“Nakapag-adjust na kami sa receive namin kasi ‘yun lang ang tingin namin na kulang, paulit-ulit namin sinasabi na service receive kasi ‘yun din naman ang key sa panalo,” saad ni Manabat.

Tumikda si Manabat ng 13 attacks, dalawang service aces at isang block para sa kanyang 16 points para sa Foton na napalaban ng todo sa set 2.

Nalasap naman ng Skippers ang pang 14 na talo, nasa ilalim sila ng team standings kaya makakaharap nila sa quarterfinals knockout game ang top seed Petron Blaze Spikers bukas. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy