Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dindin, Desiree biktima ng kawatan

0 112

HINDI sukat akalain na ang simpleng panonood ng volleyball ang magdudulot ng hindi magandang karanasan sa mga dating UAAP sulerstar na sina Dindin Santiago-Manabat at Desiree Cheng.

Dalawa lamang umano sila sa mga nabiktima ng pagnanakaw habang nanonood sa bakbakan ng tinanghal na kampeon na National University Bulldogs at runner-up na De La Salle University Green Archers sa Mall of Asia Arena sa Pasay City nitong Martes.
Nasaksihan at nagdiwang ang 28-anyos na si Santiago-Manabat na naglaro ng dalawang season sa Sampaloc-based squad sa muling pagkakampeon ng dating unibersidad na National-U Lady Bulldogs matapos ang 65-taong paghihintay, habang nabuhay muli sa alaala ni Cheng ang ilang taong pagkopo ng titulo mula sa DLSU Lady Archers.

Subalit ang naturang pestibidad ay napalitan ng pagkainis sa dalawang professional volleyball players ng bansa.

“Hayop! Papapicture lang kayo magnanakaw pa kayo!!” bulalas ni Santiago-Manabat sa kanyang tweet. “Salamat sa nakapulot ng card wallet ko. Siguro pagkakita nong kumuha ng wallet ko walang pera. And automatic block lahat ng cards. Wooh!”

Nakiusap naman ang 25-anyos na outside hitter ng Choco Mucho Flying Titans at season 79 Finals MVP na si Cheng na ibalik na lamang ang kanyang driver’s license.

“Nasa wallet ko po ‘yung license ko. Paki balik na lang ‘yung license paki Grab na lang please sa bahay ko. Hirap kumuha ng bago, hassle po iyon. Please. Hehehe! Andami atang nanakawan tonight sa Arena? Opo, isa ako doon,” wika ng season 80 Best Server sa kanyang tweet rin nitong Martes ng gabi. “Yung money po doon, pamasko ko na po. Hindi ako galit baka sadyang sobrang kailangan mol lang talaga. Hindi na ako magpapa-picture. Galit galit tayo. Hahahaaha! Chz.”

Nagawang mapanalunan ng Lady Bulldogs ang kanilang ikatlong kampeonato sapol nung 1957 sa season 19 sa bisa ng straight three set sa 25-15, 25-15, 25-22 sa Game 2 ng kanilang best-of-three championship showdown ng 84th season ng UAAP na dinaluhan ng 12,621 manonood. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.