Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dinapuan ng paruparo

0 86

Good day po, sana masagot ninyo ito, ano kayang mensahe ng panaginip ko kung saan nakaupo raw ako sa kama namin tapos ay may lumapit sa aking paruparo, noong una ay isa lang siya pagktapos ay maya-maya dumami na at may pumasok din daw sa kuwarto na ibon. Sinubukan ko pang hulihin ang isa pero kahit anong abot ko ay hindi ako makahuli. Salamat po sa pagsagot ninyo.

– Rhona

Maaaring narinig mo na ang kasabihan na ang mga paruparo ay sign mula sa mga mahal natin sa buhay na namayapa na, madalas ay sinasabing isa itong porma ng pagbisita nila sa atin. Pero dagdag dito, ang mga paruparo ay pinapadala rin sa atin bilang comfort.

Sa panaginip, ang mga paruparo ay konektado sa mga event ng buhay ng tao tulad ng: muling pagsilang, cycle at mga pagbabago sa buhay na natural na dumadating sa atin tulad ng pagtanda. Sa madaling salita, pwedeng sinasabi ng panaginip mo na dumadaan ka sa transpormasyon ngayon sa iyong buhay. Pwedeng may koneksyon ito sa iyong career o posisyon mo sa trabaho o sa iyong personalidad bilang indibidwal.

Bukod sa buhay, konektado rin ang panaginip mo sa pag-ibig, emosyon at passion pati na ang pagkakaroon ng bagong simula. Sinasabi rin ng panaginip mo na maaaring hindi ka aware sa mga positibong bahagi ng iyong sarili, dahil ang mga paruparo ay nagpapakita ng kanilang ganda sa iba’t ibang paraan at stage o yugto ng buhay nito.

Indikasyon din ang panaginip mo na kailangan mong tumingin sa kalikasan para makapagpokus ka sa mga problema o pagbabago sa iyong sarili.

Pwede ring masabi na ito ay sign ng pagkakaroon ng family reunion, o muling pagtatagpo ng mga kamag-anak na matagal mong hindi nakasama.

Halos ganito rin ang sinasabi ng ibon sa iyong panaginip, sinisimbolo kasi ntio ang lahat ng goal, pag-asa at motibasyon na iyong pinanghahawakan ngayon. Nirerepresenta rin nito ang kasiyahan, pagkakaroon ng balanse at pag-ibig sa iyong buhay ngayon. Posibleng sign ito na nasa punto ka na ng paglaya.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.