Una sa Balita

Dinagat Island, Masbate nilindol

By
0 197

Magkasunod na nakaranas ng pagyanig ang Dinagat Island gayundin ang lalawigan ng Masbate kahapon ng umaga.

Dakong alas-9:19 ng umaga nang maitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Magnitude 4.8 na lindol sa Dinagat Island na natunton ang epicenter sa layong apat na kilometro ng Timog Kanluran ng bayan ng Loreto.

Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 78 kilometro subalit nakapagtalaga ng Intensity 2 sa mga bayan ng Loreto at Tubajon.

Bandang alas-11:39 ng umaga naman nang mamonitor ng Phivolcs ang Magnitude 4 na lindol sa Claveria, Masbate.
Sa instrumento ng Phivolcs ay natukoy ang Intensity II sa Legaspi, Albay at Intensity I sa Masbate City.
Wala namang naiulat na malaking pinsala at aftershocks sa mga pagyanig.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More