Una sa Balita

Dinadayong bulkan ng mga turista

0 381

Kamusta na mga ka-Trip Mo, Trip Ko? Itong nagdaang Linggo ay walang humpay na tinutukan ng a­ting mga ka-Abante ang balita patungkol sa pagbuga ng usok na may kasamang abo na nagmula sa Bulkang Taal.

Minsan ko na ring nailathala ang ganda nito rito sa aking co­lumn. Kaya naman hindi man maganda ang pangyayari sa ating mga kababayan at nanganganib din ang isa sa mga tourist attraction natin mas gusto ko ipanatili sa a­king isipan ang ganda ng kalikasan dito. Dahil pagkatapos ng ilang dekada na ito ay nanahimik hindi lingid sa a­ting lahat na isa ang Bulkang Taal sa mga pinipiling destinasyon ng ating mga kababayan at mga dayuhan.

Kaya naman nga­yon tayo’y muling magbalik-tanaw sa mga bulkang dinarayo ng mga turista.

Alam n’yo ba kung gaano karami ang bulkan sa buong Pilipinas? Ilan kaya ang aktibo rito? Ang Pilipinas ay mayroong 56 bulkan at 18 rito ay aktibo at ang pinakaaktibo rito ay ang Bulkang Ma­yon. At ang apat dito ay dinarayo talaga ng mga turista. Kaya naman samahan n’yo ako na magli­bot sa sinasabing “Beautiful Disaster“ na mga bulkan. Magaganda sila ngunit kapag nagalit siguradong malaking pinsala sa bansa.

Sino na sa inyo rito ang nakapunta sa Bulkang Mayon? Ito ang tina­guriang pinakamagandang aktibong bulkan sa buong mundo. Iyan ay dahil sa hugis nitong perfect cone kaya naman kahit ito ang isa sa pinakamapa­nganib na bulkan, hindi rin mabilang ang mga turistang umaakyat dito. Ito ay matatagpuan sa Legaspi, Albay.

Madami pa kayong puwedeng gawin dito bukod sa pag-akyat sa Bulkang Mayon. Meron din silang zip line malapit dito ito ay mata­tagpuan sa Ligñon Hill. Maari rin kayong sumakay ng ATV sa Cagsawa Ruins paakyat sa balikat ng Bulkang Mayon.

At ang panga­lawa naman ay ang napakaganda ring bulkan ito ay ang Mt. Pinatubo sa probinsya ng Zambales. Nang sumabog ito noong taong 1991 madami ang nawalan ng tirahan at kabuhayan at mga bayang lumubog sa lahar. Ngunit nang makabangon na ang Probinsya isa sa mga naging tourist attraction na nila ang napakagandang bulkang ito dahil sa nakamamanghang kulay berdeng lawa nito.

Sumunod naman ang Taal, Volcano sa Probinsya ng Batangas. Napaka-comportable para sa mga turista ang pagpunta rito dahil nga hindi mo na din kailangan pang bumiyahe ng napakalayo para masila­yan ang ganda ng kalikasan.

Hindi naman makukum­pleto ang listahan natin kung hindi n’yo rin mapupuntahan ang pinapangarap ng mga umaakyat ng bundok at sinasabing pinakamataas at kialalang “Grand Father of all Philippines Mountain” na Bulkan sa bansa ito ay ang Mt. Apo. na matatagpuan sa Davao.

Hindi ko na pinalagpas na isulat ngayon ang mga bulkang minsan nang nagbigay ng paminsala sa ating lugar at aral sa bawat isa. Patuloy natin alagaan ang kalikasan dahil kung ano ang ating itinanim ay siya ring a­ting aanihin.

At para naman sa mga biyaheros at biyahera pa­tuloy tayong manalangin sa mga naapektuhan ng Bulkang Taal. Alam natin ang pakiramdam lalo na tayong mahihilig pumunta sa magagandang likas na yaman o lugar kung gaano kalungkot kapag may nasisirang lugar na madami na tayong ala-ala.

At lalong nakakalungkot kapag madaming kababayan din natin ang naapektuhan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More