Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dinaanan ng buwaya sa train station

0 95

Napanaginipan ko na nasa isang train station ako, pero kahit na ilang train na ‘yung dumaan hindi pa rin ako sumasakay. May hinihintay daw ako. Hanggang sa kumonti na ‘yung tao doon sa platform at ilang pasahero na lang ‘yung naghihintay, andun pa rin ako nakatayo. May isang lumapit sa akin tapos tinanong kung bakit daw hindi ako umaalis, sabi ko daw e dahil may iba daw akong sasakyan kaya ang weird. Maya-maya after umalis nung taong nagtanong sa akin, bigla naman may dumaan na buwaya dun mismo sa may riles ng tren. Takot na takot ako bukod sa nagulat pero parang dedma lang naman sa akin ‘yung buwaya. Diretso lang siya sa paglalakad. Ano kayang ibig sabihin nito? Salamat.

  • Diamond

Sa pangkalahatan ang mga train station at pati na rin bus terminal sa panainip ay sumisimbolo ng pagkakaroon ng bisita na hindi mo inaasahan, maaaring dati mo na silang kakilala na matagal nang nakikita at gusto mo ring muling makausap.

Masosorpresa ka sa muli nilang pagbabalik at kasabay nito ay manunumbalik ang alaala ng dati nitong samahan noong mga panahon na close pa kayo.

Kung napanaginipan mo na nasa train station ka, sinasabi nito na makakapag-travel ka very soon. Mapagsasabay mo ang trabaho o negosyo at ang paglalakbay, pagbisita sa mga lugar na hindi mo pa napupuntahan, o kaya ay kakaibang mga experience.

Kapag nakita mo na puno ng tao ang station, nangangahulugan naman ito na may mga taong malapit sa buhay na hindi nakakaunawa sa iyo. Kahit maraming tao sa paligid mo, pakiramdam mo ay hindi ka pa rin masaya.

Pakiramdam mo ngayon, kailangan mong lawakan ang koneksyon mo at maglaan ng time sa mga taong tingin mo ay may positive effect sa iba’t ibang aspekto ng iyong buhay tulad ng career, relationship, at buong wellness mo.

Ang pagtayo sa station ay sumisimbolo sa pagkaubos ng pasensya mo. Marahil ay may inaasahan kang malaking mangyayari pero hindi pa rin ito nagaganap. Kung may kumausap sa iyo at bumati na hindi kakilala, sinasabi nito na may makikilala kang tao na magiging malapit mong kaibigan.

Samantala, ang buwaya naman sa panaginip ay inidkasyon na posible kang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan na may kinalaman sa pera o kaya naman conflict sa isang kaibigan o kakilala.

Ipinapakita rin nito na may kinatatakutan ka na hindi mo maalis pero hindi mo rin naman maharap para mawala na. Kumbaga, bagahe mo ito dahil hindi mo alam kung paano matatapos.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.