Una sa Balita

Dimples type kidnapin si Angel

0 619

Ngayong nakakaluwag-luwag na sa buhay si Dimples Romana, gusto niyang siya naman ang mag-treat sa kaibigang si Angel Locsin.

Sa panayam ng “Abantelliling” kay Dimples sa grand launch niya bilang endorser ng Skin Magical, tinanong namin ni Dondon Sermino ang isa sa bida sa hit series na “Kadenang Ginto” kung kailan siya magiging Daniela Mondragon kay Angel?

Si Daniela ang sikat na kontrabida character ni Dimples sa “KG”.

Sabi niya, marami siyang natutunan kay Angel sa pagiging masinop sa pera at dahil maganda ang daloy ng kanyang career, gusto niyang mag-travel naman silang magkaibigan na siya mismo ang sasagot ng lahat ng gastos.

Biro nga ni Dimples, pangarap niyang dalhin si Angel sa Hong Kong para doon lang sila kumain ng siopao.

Biro niya, ito ang isa sa mga karakter ni Daniela sa pagpapabida niya ng kanyang kayamanan, na nais niyang ipa-experience kay Angel.

Dugtong pa niya, “‘Yung tipong balikan lang kami at isang araw lang kami sa HK para mag-siopao lang”.

‘Yun nga lang, dahil hindi pa natatapos ang “KG”, may kasunod na serye kaagad siya oras na magwakas ito. Natapos na niya ang filming ng pelikulang pinagsamahan nila ni Vice Ganda para sa MMFF 2019, at magsisimula na sila ng promo.

Si Angel naman ay abala sa kanyang ibang mga commitment, pati na sa preparasyon sa kasal.

Kaya kukuha na lang siya ng tyempo na makatakas silang dalawang magkaibigan para sa trip abroad nila.

Samantala, mismong si Gie Pangilinan, owner ng Skin Magical, ang nagsabing bagay si Dimples sa beauty product nila dahil sa karisma nito sa tao.

Rhen Escaño handang pumatol sa tomboy

Siguradong nabuhayan ng loob ang mga tomboy o lesbyana kay Rhen Escaño, ngayong bukas sa posibilidad na mag-entertain ng tibo ang sexy star.

Sa presscon ng lalabas nitong movie ngayong November 20 na pinagbibidahan din ni Cindy Miranda, ang “Adan”, sinabi nitong kahit sino pa ang makaka-relasyon niya, kahit isa pa itong tomboy ay tatanggapin niya kapag ramdam niya sa kanyang puso ang pag-ibig para dito.

LGBTQ+ ang tema ng pelikulang “Adan”, na nagpapakita ng pag-iibigan ng dalawang babae. May love scene sina Rhen at Cindy sa pelikula. May mga private parts exposure rin sila.

Wala raw naramdamang pagkailang si Rhen sa love scene nilang dalawa ni Cindy, maging halikan nila sa labi. Mas nanaig daw ang ginampanan nilang character sa pelikula at pagmamahalan nila.

Dito na-realize ni Rhen na ang pagmamahalan pala ay hindi namimili ng gender. Iginiit ni Rhen na hindi ‘gimik’ ang statement niyang willing siyang magkaroon ng tomboy boyfriend para mapag-usapan ang kanilang movie.

Nagbukas lang daw sa isip niya na kahit sino ay puwede niyang mahalin basta’t iniibig niya ito, kahit pa tibo. Ipinagdiinan ni Rhen na babae siya sa tunay na buhay at hindi tomboy.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy