Una sa Balita

Dimples tumapang dahil sa namatay na ama

By
0 550

Maituturing talagang isa sa pinaka-­humble na artista si Dimples ­Romana. Kahit na accomplished actress at matagal na siya sa showbiz, pinipili niya pa ring gawin ang mga bagay nang sarili niya lang at hindi umaasa sa PA.

“Kasi si Mama ko noon, nagba-buy and sell sa Divisoria. Kaya hanggang ngayon wala akong PA, sanay ako magbuhat. Dati para akong Christmas tree kapag pupunta kaming Divisoria, Baclaran. Bibili kami tsinelas, mga damit. Ibebenta niya ‘yun,” kuwento ng “Kadenang Ginto” star.

Matindi rin ang pinagdaanan ni Dimples habang lumalaki. Dahil habang lumalaban ang kapatid sa sakit na leukemia, bigla namang pumanaw ang ama dahil sa aneurysm.

“Lahat iyon pinagpapasalamat ko sa ­Diyos. Parang hindi rin ako aabot dito kung hindi ako pinalakas ng mga pagsubok na ‘yon. Kapag bata ka pa, dadaanan mo ‘yung mga gano’n, naki­kita mo ‘yung importansya ng pamilya,” sabi niya.

Pero nakakahanga rin talaga itong si Dimples dahil kahit nagta­trabaho sa murang edad at maraming pinagdadaanan ang pamilya, naka-graduate pa rin si­yang ­Valedictorian.

“Iba rin mag-motivate ‘yung ­nanay ko. Siya naman lahat ‘yun, parang medium lang ako. Sumasali po ako ng mga declamation, math and science quiz bee. Lahat sinasalihan ko,” sabi pa niya.