Una sa Balita

Dimples nagpaka-bossy kay Bea

0 377

Ipinasilip kamakailan ang ilang bahagi ng birthday celebration ni Dimples Romana o mas kilala ngayon bilang ‘Dani Girl’ ng “Kadenang Ginto”. All smiles at super enjoy nga ang aktres kasama ang ilan sa mga kaibigan niya sa showbiz industry gaya nina Angel Locsin, Bea Alonzo, Loisa Andalio, Ahron Villena at marami pang iba.

Nakuhanan din ng video at nakita sa kanilang mga Instagram story kung gaano nag-enjoy ang lahat sa selebrasyon ni Dimples. Kuwento pa ni Bea na inilabas ni Dimples ang kanyang mala-Daniela na attitude which is bossy dahil maski halatang walang boses ang kaibigang si Bea ay talagang pinilit pa rin itong kumanta sa stage.

Well, siyempre dahil friendship naman talaga sila ay hindi naka-hindi si Bea kay Dimples, hinandugan nga ito ng kanta.

Samantala, gustong-gusto ng mga fan ang naramdaman ng mga ito ang women empowerment kung saan magkakasama sina Bea, Angel at Dimples in a frame. Tatlo sa mga mahuhusay na aktres ng ABS-CBN nga ang magkakasama sa iisang litrato ay para raw bang “you can’t sit with us” ang datingan ng kanilang pagsasama.

Matatandaang noong panahong mainit ang pangalan ni Bea dahil sa hiwalayan nila ni Gerald ay present din ang dalawang kaibigang nabanggit upang maging support system ng aktres.

Kaya naman kahit sa simpleng picture lang ay marami nang natuwa sa kanilang pagsasama dahil simbolo nga raw sila ng mga matatapang na babae na tinitingala ng henerasyon ngayon. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy