Una sa Balita

Dimples, Beauty pinaligaya ang 101-anyos na lola

0 291

Aliw na aliw ako sa anniversary video ng ABS-CBN tampok ang isang 101-anyos na Kapamilya fan.

Umabot na nga sa mahigit 830,000 views sa Facebook at YouTube ang video, kung saan mapapanood ang pagbisita ng cast ng “Kadenang Ginto” sa Pampanga para makilala at makasama si Panfila “Mama Nene” Pingul, isang tapat na tagasubaybay ng Kapamilya network.

Ayon kay Mama Nene, napapasaya siya ng mga teleserye lalo na at nag-iisa na siya ngayon dahil nasa ibang bansa ang mga anak, samantalang may Alzheimer’s disease ang kanyang asawa.

“Masakit pala ang naiiwan. Pero sa panonood ng ABS-CBN, nakahanap ako ng makakasama,” sabi niya.

Hinandugan ng ABS-CBN si Mama Nene ng simple pero masayang selebrasyon ng Mother’s Day, kung saan nakakuwentuhan siya ng mga bida ng paborito niyang programa na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Dimples Romana, and Beauty Gonzalez.

Malaking pasasalamat ng apat na maka-bonding si Mama Nene, na nagbigay sa kanila ng magandang mga payo at alaala. (D­ondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy