Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dimayuga pinagsabay kolehiyo, pagmamanok

0 195

HINDI naging hadlang ang pagmamanok ni Carl Eric Dimayuga ng AE GameFarm sa kanyang pag-aaral kaya nakatapos pa rin ng kolehiyo.

Kuwento ni Dimayuga sa Sabong On Air Biyernes, habang nag-aaral, sinabayan niya ng pagmamanok, at nang makatapos nagsimula nang maging commercial breeder.

“Noong nakatapos na ako sa pag-aaral doon na ako pumasok sa commercial breeding, doon na ako nag-umpisa,” saad aniya.

Ayon pa sa kaanya, bata pa lang nang mahilig na siya sa manok, na namana niya sa kanyang lolo at tiyuhin.

Para kay Dimayuga, apat na linyada lang ang ginagamit niyang materyales upang mas mabigyan ng atensiyon ang pagbi-breed.

Inamin din niya kay Sabong On Air host Ka Rex Cayanong, na numero uno niyang buyer sa sikat at bigtime cocker na si Gerry Ramos.

Sa ngayo’y naka-pokus sa pagbi-breeed si Dimayuga, magdadagdag ng production ngayong season upang makasali sa World Pitmasters Cup.

“Hindi ako makasali kasi nauubos ni Boss Gerry (Ramos) kaya pinalinis ko na ‘yung isang farm ko para paglagyan ko ng mga breed ko ngayong season,” panapos na pahayag ni Dimayuga.

Tip naman niya sa mga nagnanais maging commercial breede,r na magsimula ng tama upang maganda ang kalalabasan ng pagpapalahi.

Mapapanood ang buong interview ng Sabong On Air kay Dimayuga sa YouTube. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.