Una sa Balita

Dimaunahan, Blackwater kailangang magmilagro

0 374

Mga laro ­ngayon: (Cuneta ­Astrodome)
4:30 pm – SMB vs Blackwater
7:00 pm – ­Phoenix vs Magnolia

HALOS wala nang ­tsansa na humabol sa playoffs ang ­Blackwater, sa mga huling laro sa PBA Governors Cup kaya susubukan na lang hasain ang bagong ­balasang team.

Sa kabilang banda, buhay pa ang tsansa ng San Miguel Beer sa grand slam, pero ­uunahin muna ang ­playoffs ng ­season-ending ­conference.

Kabuhol ng Beermen ang Ginebra sa 4th-5th sa parehong 5-3, dead last ang Elite sa 2-7 kaakbay ang Rain or Shine.

Magtatagpo ang SMB at Blackwater sa first game mamaya sa Cuneta Astrodome.

Kahit manalo ang Elite kontra Beer at sa huling laro sa elims sa Biyernes kontra Phoenix, mukhang ‘di pa rin sasapat ang four wins para humirit kahit playoff sa 8th at last slot sa quarters – maliban kung ang iba pa sa unahan nila ay tatapos din sa parehong baraha. Sa ganitong senaryo, babasagin ng quotient ang tabla at ang dalawang may pinakamataas ang magrarambulan para sa last quarters slot.

Apat ang nakuha ng Blackwater sa trades mula Oktubre 19 sa pag-asang maremedyuhan ang mga problema sa team. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy