Una sa Balita

Dimakiling perpekto sa Dubai

0 402

MULING ipinamalas ni Davao City pride Oliver Dimakiling ang kanyang tikas sa paglalaro ng chess.

Kampeon ang Pinoy International Master sa UAE 48th National Day Rapid Chess Tournament 2019 nitong Disyembre 3 sa Dubai Chess & Culture Club sa Dubai, United Arab Emirates.

Si Dimakiling, na isang grandmaster norm na lamang ang kailangan tungo sa pagkumpleto sa kanyang GM title, ay tumapos sa 9-round Swiss System tournament ng perfect 9 wins sa 15 mi­nutes plus 5 seconds increment time control format.

Kabilang sa mga tinalo ni Dimakiling sina Ahmed Bendjebbour Faycal ng Algeria sa first round; Woman Candidate Master Khalil Bashaer ng UAE sa second round; Abdulla Murad ng UAE sa third round; Dandel Fernandez ng Philippines sa fourth round; Grandmaster Elmar Magerramov ng Azerbaijan sa fifth round; International Master Mokliss El Adnani ng Morocco sa sixth round; Grandmaster Efstratios Grivas ng Greece sa seventh round; Franz Barretto ng Philippines sa eight round at Duane Rowe ng Jaimaca sa ninth at final round.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy