Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dillinger miron ng 6 na buwan

0 54

IBINAHAGI ni veteran forward Jared Dillinger na out na ito sa kasalukuyang PBA Governors Cup para sa crowd darling Barangay Ginebra Gin Kings.

Noong Disyembre, nagtamo si 38-year-old Dillinger ng torn patellar tendon sa isang practice ng koponan, ilang araw ang lumipas, sumailalim sa operasyon ang basketbolista para maisaayos ang nasabing injury.

“I’m definitely out this conference for sure, I gotta little ways ahead. I probably be out somewhere between four to six months, most likely. Just trying to think of the worst case scenario like depending on how my recovery process takes and how well I do during my rehab,” litanya ni Dillinger sa “Play It Right TV” kasama sina Quinito Henson at Dyan Castillejo Miyerkoles ng gabi.

Dugtong pa nito, “right now it’s still rest and recovery, just doing minimal movements, just kinda maintain my mobility.”

Magugunita na nag-average ang 6-foot-5 swingman noong 2021 PBA Philippine Cup ng 2.3 points at 1.9 rebounds sa 13 pagsalang sa court.

Ngayong Governors Cup, kasalukuyang may record na 3-1 win-loss card ang Gin Kings, nakansela ang torneo dahil sa muling pagsirit ng COVID cases sa bansa partikular sa Metro Manila. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.