Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dillinger eksit, Caguioa hihirit

0 223

Mga laro Miyerkoles:

(Ynares Sports Arena – Pasig City)

3:00pm — Terrafirma vs Magnolia

6:00pm — NLEX vs TNT

NABAWASAN ng taga-depensa ang Barangay Ginebra sa pagkawala ni Jared Dillinger na nagtamo ng tendon tear habang magbabalik para sa Gin Kings ang dating Most Valuable Player at beteranong si Mark Caguioa kasama ang papaangat ang laro na si Aljon Mariano.

Ito ang inihayag mismo ni Gin Kings coach Earl Timothy “Tim” Cone matapos na angkinin ang una nitong panalo sa ginaganap na 2021 PBA Governors Cup kasama ang resident import na si Justin Brownlee Linggo ng gabi.

Sinabi nito na si Dillinger ay out na sa buong 2021 PBA Governors Cup matapos na magtamo ng torn patellar tendon sa kanilang ensayo.

Related Posts

Idinagdag ni Cone na ang beteranong guard ay natamo ang injury ilang araw bago ang unang laro ng Ginebra sa panghuling torneo ng liga ngayong season matapos na magtangka na mag-dunk sa practice.

“It’s a big blow for us,” sabi ni Cone sa pagkawala ni Dillinger. “He was trying to dunk the ball and landed badly. So we’re counting on him being out (for the conference).”

Kasama ni Dillinger na nagpakita sa laro ang tatlong iba pang injured Ginebra na sina Joe Devance, Aljon Mariano at si Mark Caguioa sa 80-77 panalo ng Ginebra sa Alaska Linggo ng gabi.

“We expect to get Mark back for sure this week as long as there is no setback,” sabi ni Cone ukol sa pagbabalik ng tinaguriang “The Spark” na si Caguiao.

Si Devance ay nagpapagaling sa off-season surgery at hindi sigurado kung kalian makakabalik habang si Caguioa ay may strained calf. Si Mariano na may knee injury ay nagsimula na mag-ensayo sa koponan.

“Aljon just got a check-up a couple of days ago and he might start doing some drills with the team,” sabi ni Cone. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.