Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DILG: Walang bakuna, booster kakatukin

0 63

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs) na maging proactive sa paghahanap ng mga unvaccinated at mga tao na maaring mabigyan ng COVID-19 booster shots kasunod ng pagkakatuklas ng Omicron BA.4 subvariant sa Pilipinas.

Sa pahayag, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na ang BA.4 ay may banta sa publiko dahil kayang maiwasan ang immune protection mula sa vaccination at prior infection.

Dapat gamitin aniya ng LGU ang lahat ng resource¬s nito para mahanap ang mga wala pang bakuna at ang mga maari nang magpa-booster “as a precautionary measure versus a more transmissible Omicron variant and possible community transmission.”

Ayon sa Department of Health, naka-detect sila ng subvariant mula sa Filipino citizen na pumasok sa bansa mula sa Middle East noong May 4, 2022.

“Kung kinakailangang katukin ang bawat bahay para malaman kung sino ang dapat bakunahan, iyan po ang gawin natin,” dagdag nito. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.