Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DILG napuruhan ng COVID halos 5K sapol

0 127

Tinamaan ng COVID-19 ang 4,801 mga personnel ng Department of Interior and Local Government (DILG), ayon kay DILG Secretary Eduardo Año.

Sa report ng kalihim kay Pangulong Rodrigo Duterte sa regular Talk to the People nitong Lunes, kasama siya sa hindi nakaligtas sa COVID-19 at ang pinakamaraming tinamaan ng virus ang 4,000 miyembro ng Philippine National Police (PNP).

“Kami ang isa sa pinakanaapektuhan sapagkat umabot sa 4,801 ang active cases sa buong DILG kasama na ang inyong lingkod. Sa amin pong central and regional offices ay mayroon pong 98. Ang pinakamarami ay ang PNP na umabot na ng 4,000,” ani Año.

Bukod sa mga pulis, apat na mga gobernador ang nagpositibo rin sa COVID-19 at 21 mga alkalde .

Bukod pa aniya rito ang mga kawani ng National Police Commission, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, at ilan lang tanggapan sa ilalim ng DILG. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.