Una sa Balita

DILG: Mga kapuspalad lang makikinabang sa P275B

0 1,265

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “Bayanihan to Heal as One Act” na magbibigay sa kanya ng kapangyarihan na ilipat ang P275 bilyong pondo sa 2020 national budget upang magamit ng gobyerno sa mga tinamaan ng pinatupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon bunsod ng banta ng coronavirus disease.

Ayon sa Department of Interior and Local Government, gagamitin nila ang P275 bilyon para matulungan ang mga local government unit sa pagbibigay ng tulong sa mahihirap na pamilyang naipit ng pinatupad na lockdown.

Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, hindi na dapat umasa pa ng tulong ng gobyerno ang mga maykaya sa buhay dahil ang mga kapuspalad lamang ang mabibigyan.

“Hindi po tayo mayamang bansa, limitado lang po ang pondo ng pamahalaan. Ang inuuna po ng gobyerno ay yung mga isang kayod isang tuka, ‘yung mga arawan, yung mga nasa toda, ‘yung mga nagtatrabaho sa palengke na di makapasok, ‘yun po ang inuuna namin,” wika ni Malaya.

“Let me emphasize, ‘yung iba naman po na maganda na ang buhay, huwag na po tayo mag-antay ng tulong sa gobyerno kasi maganda naman ang buhay niyo,”dagdag pa niya.

Sa stimulus law na nilagdaan ni Pangulong Duterte, tinatayang 18 mahihirap na pamilya ang makikinabang sa tulong ng gobyerno sa loob ng 2 buwan.

Sila ay pagkakalooban ng P5,000 hanggang P8,000 kada buwan

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More