Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DILG, LGU kinalampag sa vaccine ng mga guro

0 272

Nanawagan si Senador Win Gatchalian ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga local government units (LGUs) na tulungan ang Department of Education (DepEd) sa mas mabilis na pagpapabakuna ng mga guro laban sa COVID-19 lalo na’t nakatakdang simulan ang pilot test ng limited face-to-face classes sa Nobyembre 15.

Sa pagdinig ng Senado sa paghahanda ng pamahalaan para sa limited face-to-face classes, iniulat ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan na halos 57% na ng mga guro ang nabakunahan kontra COVID-19.

Katumbas nito ang 580,000 mga guro sa 970,000 mga guro at non-teaching personnel.

“Hindi pagkukulang ng guro kung gusto niyang pumunta sa paaralan ngunit hindi pa siya nakakatanggap ng bakuna. Kaya dapat nating bigyan ng prayoridad ang ating mga guro lalo na’t ang layunin natin ay makabalik sa face-to-face classes,” sabi pa ni Gatchalian. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.