Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DILG, DBM binasbasan sibakan sa gobyerno

0 245

Libo-libong kawani ng pamahalaan ang puwersahang tatanggalin sa trabaho sa mangyayaring devolution o paglipat ng ilang tungkulin ng national government sa local government units.

Pinirmahan ng Department of Budget and Mnagement at Department of Interior and Local Government ang Joint Memorandum Circular No. 2021-3 noong September 13, 2021 na nagsasaad ng guidelines sa pagpapatupad ng devolution bunsod ng tinatawag na Mandanas ruling.

Ayon sa JMC 2021-3, maaring piliin ng kawani ng pamahalaan na magretiro o manatili sa serbisyo ngunit gagawin silang co-terminous pag hindi sila nagretiro o hindi pumayag umalis sa serbisyo kung lulusawin na ang kanilang opisina.

“The positions of personnel who may be affecte¬d by the full devolution effort and will not opt to retire or separate from the service shall be marked as conterminous with the incumbent, either in the parent or the recipient agency, to be abolished once vacated,” sabi sa JMC 2021-3.

Ayon sa JMC, tatlo ang pagpipilian ng mga kawaning may hawak ng permanenteng position na apektado ng devolution: 1. Maaari silang lumipat sa ibang unit o department ng kanilang tanggapan ng hindi mababawasan ang sweldo; lumipat sa ibang department o agency o GOCC na hindi babawasan ang suweldo o magparetiro sa tungkulin. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.