Una sa Balita

Dilawan tae kayo – Digong

0 649

INALASKA ni Pangulong ­Rodrigo Duterte ang oposisyon sa ­pamamagitan ng paggamit ng ‘toilet humor.’

Sa kanyang talumpati sa Masbate noong Miyerkoles ng gabi, sinabi ng Pangulo na hindi siya tinitigilan ng kanyang mga kritiko at pati kalusugan nito ay iniintriga sa pamamagitan ng pagpapakalat na may sakit ito sa kidney at cancer.

Pero sinabi ng Pangulo na wala nang maisip ang oposisyon kaya pati malulubhang sakit ay pinalutang na para siraan siya.

“Dito daw sa puwit ko may dugo na raw. Kaya minsan pag-uwi ko tiningnan ko. Maski minsan dito pag-ihi ako, yellow man. Wala nang maisipan. Dugo ‘yan nakita mo parang basa. Totoo amoy tae pero yellow,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na baka hindi alam ng oposisyon na isinusuka na sila ng mga tao pero panay pa rin ang daldal laban sa gobyerno, habang siya naman ay tinae na aniya ang mga ito.

“Kayong mga yellow hindi na…sinusuka na kayo ng mga tao. Ako… ano ano kung sabihin.
Tinatae ko na kayo, marami pa kayong daldal. Totoo,” dagdag pang pambubuska ng Pangulo.