Una sa Balita

Digong walang diskriminasyon sa kababaihan

By
0 942

SINALAG ng Malacañang ang banat ng grupo ng kababaihan sa pagiging ‘biased’ umano ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa naging pahayag nito na hindi siya magtatalaga ng babae o kaya politiko sa mababakanteng puwesto sa Office of the Ombudsman at Korte Suprema.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kung biased ang Pangulo ay hindi sana ito nagtalaga ng mga babaeng miyembro sa gabinete kaya walang basehan ang akusasyon ng grupong Gabriela.

“Well, sa akin simple lang po ‘no. Nagkaroon po ng tatlong appointment recently ang Presidente lahat po babae – iyong ating acting Secretary ngayon po ng DSWD, iyong ating Comelec Commissioner Justice Inting, at saka ang ating Department of Tou­rism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, lahat po iyan ay kababaihan. Malinaw po na iyong mga naa-appoint po niya nitong mga nakalipas na araw puro kababaihan. So meaning, wala pong bias si Presidente laban sa kababaihan,” ani Roque.